6 sundalo sugatan sa land mine

6 sundalo sugatan sa land mine

December 19, 2022 @ 9:27 AM 2 months ago


NORTHERN SAMAR- Sugatan ang anim na sundalo matapos sumabog ang anti-personnel mines na hinihinalang itinanim ng miyembro ng New People’s Army, kahapon sa bayan ng Las Navas.

Ayon kay Lt. Col. Joemar Buban, commanding officer ng 20th Infantry Battalion, naganap ang insidente sa Barangay Quirino ng nasabing bayan.

Sinabi nito nagsasagawa ang 20th IB at 8-IB-PA ng water system project sa nasabing barangay na tumatanggap ng Support to Barangay Development Program 2022, bilang bahagi ng programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Subalit, pagdating sa nasabing lugar bigla na lamang sumabog ang bomba na ikinasugat ng 7 sundalo na ngayon ay nilalapatan ng lunas.

Kaugnay nito, nanawagan si Buban sa Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang tinatawag niyang “continuous inexcusable violations” ng Ottawa Convention, International Humanitarian Law, at RA 9851 ng NPA sa Northern Samar.

Kinondena naman ni Gen. Camilo Ligayo, commanding general ng 8ID na “ang patuloy na paggamit ng mga miyembro ng teroristang NPA ng APM na mahigpit na ipinagbabawal at isang tahasang pagwawalang-bahala sa International Humanitarian law./Mary Anne Sapico