6 suspek sa Maguindanao ambush natukoy; pursuit ops patuloy – PNP

6 suspek sa Maguindanao ambush natukoy; pursuit ops patuloy – PNP

August 31, 2022 @ 6:50 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules na natukoy na nito ang anim na suspek ambush incident sa Ampatuan, Maguindanao kamakailan kung saan dalawnag pulis ang nasawi at sugatan naman ang iba pa.

“We already have the identity of the suspects and our personnel are working double time to bring justice to where it should be,” sabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr.

“We ask for the public to be vigilant in their surrounding and report any suspicious-looking men in their area,” dagdag niya.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ampatuan police chief Police Lieutenant Reynaldo Orcine Samson at Police Corporal Salipuden Talipasan Endab.

Kinilala naman ang mga sugatan na sina Police Corporal Rogelio Dela Cuesta Jr. at Police Corporal Marc Clint Dayaday.

Ayon sa ulat ng pulisya, magsisilbi sana ng warrant ang mga pulis nitong Martes sa isang Kamir Kambal alyas Meds para sa robbery with violence nang atakihin ng humigit-kumulang 10armadong kalalakihan sa Barangay Kapinpilan.

“They were fulfilling their duties as law enforcers when confronted with such violent action. Their loyalty to their commitment to serve and protect the nation will be remembered,” ani Azurin. RNT