6 taong gulang, nanaksak ng 17-anyos

6 taong gulang, nanaksak ng 17-anyos

October 7, 2018 @ 3:44 PM 4 years ago


 

Valenzuela City – Sugatan ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang saksakin ng 6 na taong gulang na bata na anak ng kanyang nakaaway sa Valenzuela City.

Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa tiyan ang biktima na itinago sa pangalang “Roger”, 17, out-of-school-youth habang ang suspek naman ay itinago sa pangalang “Roman”, Grade 2 pupil.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing nangyari ang insidente sa Santol Street Bilog, Barangay Balangkas ng nasabing lungsod dakong alas-2:15 ng hapon matapos makaaway ng biktima ang ama ng bata.

Pinalo umano ng binatilyo ang ama ng bata ng kawayan at sa galit ng paslit, sinaksak niya ng kutsilyo sa tiyan ang biktima.

Agad na itinakbo sa Valenzuela City Emergency Hospital ang biktima na kalauna’y inilipat sa Valenzuela Medical Center at ngayon ay inoobserbahan pa ang kalagayan.

Inilagay na sa pangangalaga ng Valenzuela City Child Protection Center ang 6-anyos para sa counseling at karagdagang intervention. (Rene Manahan)