6 taong pagkakakulong ni de Lima sobra na – solon

6 taong pagkakakulong ni de Lima sobra na – solon

February 24, 2023 @ 11:57 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na palayin na agad si dating Sen. Leila de Lima dahil kalabisan na ang anim na taong sinapit nitong arbitrary detention.

Ang panawagan ay ginawa ni Brosas sa harap ng anibersaryo ng pagpapakulong sa dating senadora at ang naging pagbisita sa kanya kamakailan ng European Parliament delegation sa Philippine National Police l-Custodial facility.

“‘Yung 6 years na arbitrary detention niya is too much,” ani Brosas kung saan iginiit nito na wala dahilan para ikulong pa ito.

“Kung wala ka namang ikakaso sa kaniya, bakit naman ganun? Alam natin na fabricated ‘yung mga allegations and ‘yung mga witnesses nag-recant na so there’s no more reason para ‘yan ay patagalin pa,” giit pa ng mambabatas.

Ang EU delegation ay mula sa European Union Parliament Subcommittee on Human Rights, una na itong nagpahayag ng pagkabahala sa ilan taon nang pagkakakulong ni De Lima. RNT