6 tiklo sa magkakahiwalay na drug ops

6 tiklo sa magkakahiwalay na drug ops

September 3, 2022 @ 12:17 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Shoot sa selda ang anim na hinihinalang sangkot sa iligal na droga matapos na madakip ng mga awtoridad makaraan ang isinagawang magkahiwalay na drug operation ng mga pulis sa Valenzuela City.

Nakapiit sa detention cell ng Valenzuela City Police ang mga suspek na sina Angelito Maglalang, 56, tricycle driver; Ryan Dela Rama, 30, kapwa residente ng Brgy. Marulas at Jojie Dampios, 26, residente ng Block 3, C Molina St., Viente Reales ng nasabing lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PSSg. Ana Liza Antonio may hawak ng kaso, dakong alas-5:45 madaling araw ng makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang kanilang tanggapan hinggil sa iligal na aktibidades ng mga suspek.

Agad na nagsagawa ng validation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo at naaktuhan pa ng mga pulis si Maglalang na may katransaksyon habang nagaabutan ng iligal na droga.

Sa puntong iyon, agad na inaresto ng mga pulis ang mga suspek at narekober sa mga ito ang apat na pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na humigit-kumulang nasa 10 gramo at tinatayang nasa P64,000 ang standard price value at P400 recovered money.

Nauna rito, bandang alas-4:30 ng madaling araw ng madakip ng ibang team ng SDEU ang mga suspek na sina Jonathan Awud, 34; Ronie Diaz, 34 at Richard Rivera 24, kapwa residente ng Barangay Mapulang Lupa ng nasabing lungsod matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga pulis.

Ayon kay PCpl Pamela Joy Catalla, narekober sa mga suspek ang apat na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa 10 gramo at tinatayang nasa P68,000 ang halaga, P500 buy-bust money, P300, isang caliber .38 na kargado ng dalawang bala, coin purse, belt bag at isang Nokia keypad phone.

Mahaharap ang mga nadakip na suspek sa kasong Article II of RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 Comprehensive Law on Firearms and Ammunition sa Valenzuela City Prosecutors Office. R.A Marquez