6 tiklo sa pagbebenta ng pekeng abono

6 tiklo sa pagbebenta ng pekeng abono

September 26, 2022 @ 4:35 PM 2 months ago


ISABELA – Huli sa pagbebenta ng mababang kalidad o pekeng 305 abono ang anim na indibidwal sa isinagawang entrapment operation ng otoridad sa dito sa Barangay Santos, Quezon, Isabela.

Sa panayam ng REMATE kay PLtCol. Dionisio Bonoy, Regional Chief ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Region 2 ay katuwang nila ang RSOT-CIDG RFU2, CIDG-Isabela sa oangunguna ni PMaj. Eric Santos, NICA (National Intelligence Coordinating Agency)2, NISU12, PIU-IPPO, PMaj. Joseph Curugan, hepe ng Quezon MPS at DA-FPA Cagayan Valley laban sa mga nagbebenta ng Off spec or mababang kalidad na abono sa Isabela at sa buong lambak ng Cagayan na tinagurian “OLEA -Oplan Mega Shopper”.

Pansamantala itinago ang pagkakilanlan ng anim na suspek dahil sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang follow-up operation para sa ikadarakip ng iba pa nilang kasamahan at supplier ng pekeng abono.

Nahuli ang mga ito na nagbebenta ng mahigit 305 bags ng Xianbee granular fertilizer.

Sa kasalukuyan ang mga nasabing abono ay suspendido ang License to Operate at Certificate of Registration dahil ito ay “off spec” o mababa ang nutrient content kumpara sa nasa label nito na 14-14-14 para sa NPK content nito.

Karamihan sa mga abono na namonitor na off spec ay naisyuhan na ng SUMS order o kaya ay na pull-out na sa merkado at mahigpit na ipinagbabawal ng FPA ang pagbebenta nito.

Matandaan, unang nasakote ang kanilang kasamahan na naaktuhan din nagbebenta sa bayan ng Alicia, Isabela ng saku-sakong pekeng abono.

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang anim na suspek ng Violations of RA 7394 (Consumer Act of the Philippines) at PD 1144 (Act Regulating the Fertilizer and Pesticide Industry). Rey Velasco