6 timbog sa buy-bust sa Parañaque at Pasay

6 timbog sa buy-bust sa Parañaque at Pasay

April 28, 2022 @ 1:21 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Anim na drug suspects na nasa drug watch list ng pulisya ang nasakote ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa magkahiwalay na buy-bust operation sa lungsod ng Pasay at Parañaque nitong Miyerkules (Abril 27).

Sa Pasay City, kinilala ni Police Chief P/Col. Cesar Paday-os ang mga arestadong suspek na sina Ernesto Fernando, 59; Dennis Toledo, 46; Jovie Alejandre, 24; at Andres Olarate, 60, pawang mga residente ng Pasay City.

Ayon kay Paday-os, matagumpay na naisagawang buy-bust operation ng SDEU dakong alas 10 ng gabi sa Veloso Compound, Tramo St., Pasay City.

Nakumpiska sa kanila ang 1.6 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P10,880, drug paraphernalia, at sumpak.

Dagdag pa ni Paday-os na nahaharap sa kasong illegal possession of prohibited drugs (RA 9165) at illegal possession of fireamrs and ammunition ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa SDEU custodial facility.

Sa Parañaque City, arestado rin sa isinagawang buy-bust operation ang mga suspects na sina Ramon Villoga, 38, residente ng Canada St., Tramo II, at ang kanyang nakababatang kapatid na si Mary Grace, 29, ng Jordan St., na parrehong nasasakupan ng Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Sinabi ni Paranaque City police chief P/Col. Maximo Sebastian na nasakote ang mga suspects sa ikinasang buy-bust operation sa bahay ni Ramon sa Canada St., Tramo II, Barangay San Dionisio, Parañaque City dakong alas 10:50 Miyerkules ng gabi.

Nakumpiska sa posesyon ng mga suspects ang 15 gramop ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspects sa Parañaque City police custodial facility habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa kanila. James I. Catapusan