6 trike driver huli sa cara y cruz

6 trike driver huli sa cara y cruz

July 1, 2022 @ 2:30 PM 1 month ago


GAMU, ISABELA- Huli sa akto ang anim na traysikel drayber na nagsusugal ng cara y cruz sa kanilang paradahan malapit sa kampo ng militar sa Brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PCapt. Glanery Cabeliza, hepe ng Gamu Police Station kay PCol. Julio Go, Acting Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang mga nahuli ay kinilalang sina Ruben Mallari y Umayam, 63 anyos, Renaldo Silisilon y Natividad, 53 anyos,

Ferdinand Soriano y Domingo, 53 anyos, Angelbert Agub y Paguirigan, 37 anyos, Novie Sacasac y Urmilia, 39 anyos at Pepito Gregorio Villaga, 46 anyos na kapwa residente sa naturang lugar.

Habang nagsasagawa ng ati-illegal gambling operation ang kapulisan ay may isang konsernadong mamamayan ang tumawag sa kanilang himpilan na may nagsusugal sa TODA terminal sa nabanggit na lugar.

Agad na rumosponde ang kapulisan sa naturang lugar kung saan ay naaktuhan nagsusugal ang mga suspek.

Narekober mula sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawang piraso ng piso coin na ginagamit sa cara y cruz, bet money na nagkakahalaga ng P1600.

Nahaharap sa kasong PD 1602 as amended by RA 9287 ang anim na traysikel drayber. Rey Velasco