6 Tsino, Pinoy timbog sa pagdukot sa kapwa Tsino

6 Tsino, Pinoy timbog sa pagdukot sa kapwa Tsino

July 28, 2020 @ 3:15 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Arestado ang anim na Chinese nationals kabilang na ang isang Pinoy sa isinagawang rescue operation ng Anti-Kidnapping Group (AKG) sa Parañaque City.

Kinilala ni AKG Director P/Brig General Jonnel Estomo ang mga nadakip na sina Gao Tong Tong,  Tian Yu, Liang Kai, Cheng Yong Qing, Zhang Bo Xu, Wang Xuan, kapwa Chinese nationals at Edgar Ortiz.

Base sa ulat, dakong 11:50 ng tanghali nang isagawa ang operasyon na pinangunahan ni P/Col Villaflor Bannawagan na nagresulta sa pagkakaligtas kay Le Chen sa kamay ng mga suspek.

Lumalabas na sa reklamo na isinumite ni Mariel Mirabel, live-in partner ng biktima ay hinihingihan umano siya ng mga suspek ng halagang P84,000 pantubos kay Chen.

Napag-alaman na noong Hulyo 12, 2020, nag-apply ang biktima bilang POGO worker sa Sparc Company. Hulyo 16 nang mayroon sumundo kay Chen na hindi kilalang Tsino at sinabi na siya ay isasailalim sa interview. Dito na umano siya dinala sa Villa Carolina 3 town houses 3, Brgy. Tambo, Parañaque City.

Pinilit ang biktima na magtrabaho sa online gambling na walang kontrata. Kinulong umano siya sa isang silid at tinatakot umano ng mga suspek na ibebenta sa ibang kompanya kung hindi siya matutubos sa nasabing halaga.

 

Dahil dito, ipinagbigay-alam ni Mirabel ang kalagayan ng live-in partner sa otoridad na nagbunsod para ikasa ang rescue operation ng AKG.

 

Samantala, isang pang operasyon ang isinagawa ng AKG sa DEXIN 999 Company na matatagpuan sa Revilla, Pasay City na nagresulta sa pagkakaligtas kay Den Lingyi, subalit walang suspek ang nadakip.

 

Sa kasalukuyan patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng AKG para sa mga kasabwat ng mga suspek sa pagkidnap sa dalawang Chinese nationals. Jan Sino Cruz


  •  
  •  
  •  

Loading...