6 tulak, tiklo sa magkakahiwalay na drug ops

6 tulak, tiklo sa magkakahiwalay na drug ops

March 2, 2023 @ 4:52 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nasamsam ng pulisya ang halos P.6 milyong halaga ng diumano’y shabu sa anim na hinihinalang tulak ng iligal na droga na naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City.

Ayon kay Calooocan Police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PMAJ Amor Cerillo ng buy-bust operation sa Sampaguita St., Brgy. 97 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Kenneth Del Monte alyas “Bokyo”, 43.

Nakumpiska sa kanya ang dalawang medium plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may standard drug price P204,000 at buy-bust money na isang P500 bill at 12 pirasong P1,000 boodle money.

Nauna rito, dakong alas-5:30 naman ng madaling araw nang maaresto din ng kabilang team ng SDEU sa buy-bust operation sa Baesa Road, Brgy. 185 sina Jell Constantino alyas “Bakulaw”, 41, at Raymond Constantino, 38. Nakuha sa kanila ang nasa P136,000 halaga ng hinihinalang shabu at buy-bust money, cellphone, coin purse at P400 bill.

Sa Brgy. 73, natimbog naman ng isa pang team ng SDEU sa pamumuno ni PMAJ Cerillo sa buy-bust operation sa Abbey Road 2, alas-4 ng madaling araw sina Erwin Manuel, 35 at Josel Buringgot, 28. Nasamsam sa kanila ang abot 20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P136,000 at buy-bust money.

Samantala, nabitag naman ng mga operatiba ng DDEU-NPD sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Dennis Odtuhan sa buy-bust operation bandang alas-11 ng gabi sa Pabahay Arch. MRH NHA, Sitio Brgy. 188, Tala si Lorena Martir alyas “Letlet”, 37 at nakuha rito ang humigit-kumulang 15 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P102,000 ang halaga at buy-bust money. R.A Marquez