6 tumba sa COVID sa Valenzuela; 1 sa Caloocan

6 tumba sa COVID sa Valenzuela; 1 sa Caloocan

June 4, 2021 @ 2:02 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Anim ang patay sa COVID-19 sa Valenzuela City at isa naman sa Caloocan City nitong Hunyo 3.

Pumalo na sa 19,384 ang confirmed cases sa Valenzuela, at sa nasabing bilang ay 18,952 na ang gumaling, 501 na ang namatay at 381 naman ang active cases matapos na 26 ang bagong magpositibo at 83 naman ang gumaling.

Isa naman ang patay sa Caloocan at 909 ang active cases.  Sumampa na sa 33,125 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, kung saan 31, 255 na ang gumaling at 961 na ang namatay.

Wala iniulat na namatay dahil sa pandemya sa Malabon City at nanatiling 441 ang COVID death toll sa lungsod.  Dalawampu’t dalawa naman ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 13,155 ang positive cases sa siyudad, 161 dito ang active cases.

Sa kabilang banda, 18 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at 12,553 na ang recovered patients ng Malabon.

Hindi rin gumalaw ang 359 pandemic fatalities ng Navotas, habang 103 ang active cases sa lungsod matapos na siyam ang magpositibo at 11 ang gumaling.  Umakyat na sa 10,857 ang nasapul ng pandemya sa siyudad at nagsigaling na ang 10,395 sa mga ito. Merly Iral