6 volcanic quakes naitala sa Bulkang Bulusan

6 volcanic quakes naitala sa Bulkang Bulusan

July 13, 2022 @ 4:50 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi bababa sa anim na pagyanig ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Bulusan sa nakalipas ng 24 oras.

Bahagya ring nagbuga ang bulkan ng usok na may taas ng hanggang 100 metro.

Naglabas rin ito ng 574 tonelada ng sulfur dioxide as of July 11.

Patuloy naman ang paalala ng ahensya na iwasan ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone gayundin sa extended danger zone.

Bawal din muna ang pagpapalipad ng aircraft malapit sa bulkan dahil sa posibilidad ng biglaang steam-driven o phreatic eruptions. RNT/ JCM