6 volcanic tremors naitala sa Bulkang Taal – Phivolcs

6 volcanic tremors naitala sa Bulkang Taal – Phivolcs

August 20, 2022 @ 3:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ng anim na volcanic tremors at makapal na usok sa Taal Volcano sa Batangas sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Sabado.

Nagtagal ang volcanic tremors ng dalawa hanggang pitong minuto. Sinabayan din ito ng low-level background tremor, ayon sa bulletin ng ahensya.

Naobserbahan din ang makapal na usok na aabot ng 1,800 metro ang taas patungong northwest at west-southwest.

Nagbuga naman ang bulkam ng 7,205 tonnes ng sulfur dioxide nitong Biyernes.

Sinabi ng Phivolcs na patuloy ang upwelling ng hot fluids sa main crater lake ng bulkan.

Naobserbahan din ang vog o volcanic smog.

Kasalukuyang umiiral ang Alert Level 1 (Low-level unrest) sa Taal Volcano.

Patuloy naman ang paalala ng ahensya na ipinagbabawal ang lumapit sa bulkan. RNT/SA