60/40 hatian sa joint WPS exploration ng Pinas, Tsina itinutulak ni Gatchalian

60/40 hatian sa joint WPS exploration ng Pinas, Tsina itinutulak ni Gatchalian

January 9, 2023 @ 10:52 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Umaasa si Senator Sherwin Gatchalian na magiging matagumpay ang joint exploration talks ng Pilipinas at China sa West Philippine Seas (WPS) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi ni Gatchalian noong Linggo na kagaya ng sa anumang pakikipag-usap sa ibang mga bansa, ang minimum requirement ay dapat sundin ang Konstitusyon ng Pilipinas tulad ng 60/40 na pagbabahagi ng anumang produkto alinsunod sa batas ng bansa.

Gayunpaman, sinabi ni Gatchalian na iginigiit ng China ang patakaran nito at nakahahadlang umano ito sa pag-uusap.

Umaasa naman siyang magkakaroon ng kasunduan sa ilalim ng bagong administrasyon.

“Maganda ang intension pero ang batas natin ang dapat na masunod, nasa loob ng Exclusive Economic Zone [EEZ], 60 percent dapat mapunta sa atin,” ani Gatchalian sa radio interview.

Hinggil sa posibilidad na makipag-usap sa ibang mga bansa, sinabi ni Gatchalian na posible ito, basta’t tatalima sila sa batas ng Pilipinas, at binanggit ang Malampaya gas exploration katuwang ang United States. RNT/SA