60 kilo ng shabu nasabat, 2 arestado sa Cavite drug bust

60 kilo ng shabu nasabat, 2 arestado sa Cavite drug bust

June 3, 2022 @ 6:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Naaresto ng mga pulis at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agents ang umano’y pinuno ng isang drug ring at kanyang kasabwat sa isang bust na naging daan din upang madiskubre ang clandestine shabu (crystal meth) laboratory sa loob ng subdivision sa Dasmariñas, Cavite.

Nasabat din sa operasyon ang ang 60 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P408 milyon, isang butane stove, iba’t ibang kagamitan na ginagamit sa paggawa ng shabu, containers na naglalaman ng unknown chemicals, ilang drug paraphernalia, at isang air purifierna ayon sa PDEA ay ginamit ng mga suspek upang takpan ang pagsingaw ng amoy mula sa laboratoryo.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP)  Officer-in-Charge Lt.Gen. Vicente Danao Jr. ang mga suspek na sina Dominador Omega Jr., umano’y lider ng Omega Drug Group, at isang Siegfred Garcia na naaresto sa bust nitong Huwebes ng umaga.

“We have caught a big fish engaged in illegal drug activity,” pahayag ni Danao. “With their arrest, we will soon be given a clearer picture of their network of transactions.”

Sinabi ng PDEA na bago ang raid, nakatanggap ito ng mga ulat mula sa concerned citizens na nagsususpetsa na ang bahay sa loob ng subdivision ay ginagamit para sa iligal na drug activity dahil “occupants were not seen during day time and only stayed there for a short while during midnight and wee hours.”

Inilahad naman ni PDEA spokesperson Derrick Carreon na ang pagkakadiskubre sa clandestine shabu lab ay “incidental during the buy-bust” operation.

“PDEA conducted a validation, and indeed the one room of the house is being used as a drug den, another room as a stash house and a small scale clandestine lab due to the presence of residues found in the equipment, various chemicals and [more or less] 60 kilograms of drugs,” batay pa sa ulat ng PDEA.

Kahaharapin ng mga naarestong suspek ang reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA