60 pamilya inilikas sa Zambales sa baha, landslide

60 pamilya inilikas sa Zambales sa baha, landslide

August 24, 2022 @ 7:28 AM 1 month ago


SAN ANTONIO, Zambales– Hindi bababa sa 60 pamilya o 200 indibidwal sa lalawigan ang inilikas nitong Martes dahil sa walang-tigil na ulan dulot ng Severe Tropical Storm “Florita,” ayon sa local disaster officials.

Karamihan sa mga inilikas na pamilya ay naninirahan malapit sa creek sa Barangay Binabalian sa bayan ng Candelaria.

Batay sa Candelaria Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, 50 pamilya ang sapilitang pinalikas sa evacuation center dahil sa pagtaas ng lebel ng creek.

Sa bayan ng Botolan, 10 pamilya ang nasagip ng emergency responders dahil sa banta ng landslide at pagbaha sa Barangay Batonlapoc. Dinala ang mag residente sa evacuation site ng Barangay Batonlapoc.

Ilang residente rin ang inilikas mula sa mabababang lugar sa bayan ng Masinloc dahil sa pagbaha. RNT/SA