60 pamilya sa Noveleta, Cavite inilikas na

60 pamilya sa Noveleta, Cavite inilikas na

September 8, 2021 @ 3:56 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

CAVITE – Inilikas na rin ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 60 pamilya na nakatira sa coastal community ng Barangay San Rafael IV, Noveleta, Cavite ngayong hapon, Setyembre 8.

Inuna at karamihan sa mga na-rescue ng coast guard ay mga bata kasabay ng tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan bunsod ng bagyong #JolinaPH.

Inihatid ang mga residente sa
San Miguel Extension Elementary School na nagsisilbing evacuation center ng mga residenteng apektado ng bagyo para mabigyan ng karagdagang tulong.

Mananatili ang mga residenteng inilikas sa evacuation center hangga’t hindi bumubuti ang lagay ng panahon dala ng bagyong Jolina. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •