60 Pinoy sa Syria apektado sa lindol – DFA

60 Pinoy sa Syria apektado sa lindol – DFA

February 7, 2023 @ 2:34 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes na sa kasalukuyan ay 60 Pilipino na ang apektado ng major earthquake na yumanig sa Syria.

Partikular na sinabi ng DFA na ang mga Pilipinong apektado ng lindo sa Syria ay mula sa Aleppo (27), Latakia (19), Tartous (11), at Hama (3).

Subalit, sinabi nito na wala namang Pilipinong nasaktan sa kalamidad.

ā€œThe Philippine Embassy in Damascus reported (February 6) that leaders of the Filipino community have been contacted and they confirmed that no Filipino was injured as a result of the earthquake in regions including those that were greatly affected such as Aleppo, Hama, and Latakia,ā€ pahayag ni DFA spokesperson Teresita Daza.

Sinabi rin ng DFA na wala itong natatanggap na ulat ng Filipino casualties sa Turkey na niyanig din ng lindol.

Tumama ang magnitude 7.8 earthquake hit sa Turkey at northwest Syria nitong Lunes ng umaga. Naramdaman din ang pagyanig sa Cyprus at Lebanon.

Sa kasalukuyan, mahigit 4,300 na ang nasawi sa lindol sa Turkey at Syria. RNT/SA