60 reklamo idinulog sa anti-corruption task force ng DOJ 

60 reklamo idinulog sa anti-corruption task force ng DOJ 

November 21, 2020 @ 3:06 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines-May 60 reklamo laban sa government offices at local government units ang natanggap ng task force against corruption ng Department of Justice.

Ayon kay Senador Sonny Angara na nagtaguyod ng budget ng DOJ sa plenaryo, kabilang sa mga ahensyang inireklamo ang Land Registration Authority, Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue, Department of Public Works and Highways, at Land Transportation Office.

Aniya, sinabi mismo ni DOJ Sec. Menardo Guevarra na maraming ahensyang sangkot sa korapsyon, may ilang kinasasangkutan ng maliit na halaga at mayroon ding milyong halaga.

Sinabi pa ni Angara na kabilang ang DPWH, LRA, BOC, BIR at Philippine Health Insurance Corporation sa mga ahensyang iniimbestigahan bunsod ng mga anomalya.

Ayon kay Angara, nagtayo sila ng operation center sa DOJ at in-screen nila ang mga reklamo para malaman kung alin ang ‘meritorious’ at saka nila ipapasa sa Office of the Ombudsman.

“To reiterate, it is more of a fact-finding, rather than a preliminary investigation type of investigation,” ayon kay Angara.

Gayunman, umaasa ang DOJ-led task force na makapaghain ng kahit isang reklamo sa Office of the Ombudsman bago matapos ang taong ito.

 Bukod sa DOJ, kasama rin sa task force ang mga opisyal mula sa  Ombudsman, Commission on Audit, Civil Service Commission, Office of the Executive Secretary, Office of the President, at Presidential Anti-Corruption Commission.

Tinaningan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang task force na wakasan ang korapsyon sa gobyerno hanggang sa huling termino niya sa Hunyo 30, 2022. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...