600 baboy sa Carcar City, sapul ng ASF

600 baboy sa Carcar City, sapul ng ASF

March 14, 2023 @ 12:40 PM 2 weeks ago


CARCAR CITY, Cebu- Umabot sa 600 na baboy ang nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) infection mula sa tatlong barangay sa lungsod na ito.

Sa pahayag ng Carcar Veterinary Office, nakapagtala sila ng 600 na baboy na nagpositibo sa ASF at kinakailangan na umanong ilibing ang mga ito.

Dahil dito, isinailalim na rin sa state of calamity ang nasabing lungsod.

Naglabas naman ng kautusan kahapon (Lunes) si Cebu Governor Gwen Garcia, na itigil ang pagpapalibing ng mga baboy at isailalim muna ang mga ito sa masusing pagsusuri.

Ilang hog raiser na rin ang umiiyak dahil sa ginagawang culling sa kanilang mga baboy na siyang kanilang pangunahing pangkabuhayan.

Ayon sa isang hog raiser nasa P300,000 na ang nawala sa kanya dahil sa culling. Mary Anne Sapico