600 komunista sumuko sa Bulacan – PNP

600 komunista sumuko sa Bulacan – PNP

February 10, 2022 @ 5:25 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Sumuko na ang nasa 600 miyembro ng komunista sa lokal na pamahalaan ng Bulacan, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos.

Sinabi ni Carlos na pinasimunuan ng PNP-Regional Mobile Force Batallion 3 ang mass surrender ng mga dating miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa Sapang Palay, San Jose del Monte, Bulacan.

“We hope that with this activity, all the other groups affiliated with communist or terrorist groups will follow suit. Their withdrawal from the CPP-NPA (Communist Party of the Philippines-New People’s Army) shows that they have a weak force,” aniya.

Dagdag pa ni Carlos, patuloy nilang babantayan ang seguridad dahil sa may mga banta pa rin ng terorista.

Ang Communist Party of the Philippines (CPP)-NPA ay tinaguriang terrorist organization ng United States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at sa Pilipinas. RNT/FGDC