600 pamilya nawalan ng bahay sa Araw ng mga Puso

600 pamilya nawalan ng bahay sa Araw ng mga Puso

February 15, 2022 @ 1:00 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Aabot sa 600 pamilya ang nawalan ng bahay sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Quezon City gabi ng Lunes.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, pasado alas-10 ng gabi nang magsimula ang sunog na tumupok sa 300 bahay sa Barangay Paligsahan.

Pahirapan ang pag-apula sa sunog dahil sa kipot ng daan at dikit-dikit na kabahayan, dagdag pa ng BFP.

Dalawa ang naitalang sugatan, at maswerteng wala namang naitalang namatay sa umabot na ikalawang alarmang sunog.

Sa Manuel A. Roxas High School muna nanunuluyan ang mga nasunugan.

Humihingi naman ang mga ito ng dagdag na tulong. RNT