600 pang PDLs palalayain ng DOJ ngayong taon

600 pang PDLs palalayain ng DOJ ngayong taon

November 25, 2022 @ 8:56 AM 4 days ago


MANILA, Philippines – Target ng Department of Justice (DOJ) na irekomenda ang 600 persons deprived of liberty (PDLs) para pagkalooban ng executive clemency bago matapos ang taon.

Inihayag ni Justice Secretary Crispin Remulla na makikipag-dayalogo siya kay Executive Secretary Lucas Bersamin sa unang linggo ng Disyembre hinggil sa kanilang rekomendasyon para mabigyan ng clemency ni Pangulong Bongbong Marcos.

Magugunita na pinalaya kahapon Bureau of Corrections (BuCor) ang kabuuang 234 PDLs mula sa iba’t ibang kulungan at penal farms.

Samantala, inihayag ni Remulla na plano nila na sa pagsapit ng 2028 ay hindi na aalisin na ang New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City at sa halip ay papalitan ng regional prisons upang mas mapalapit ang pamilya ng mga preso at madalaw ang mga ito. Teresa Tavares