600 Pinoy nars kukunin ng Germany

600 Pinoy nars kukunin ng Germany

September 5, 2022 @ 12:03 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Magha-hire ang Germany ng 600 nars mula sa Pilipinas para sa mga partner nitong ospital at elderly care centers, sinabi ng embahada nito sa Manila ngayong Lunes.

Ang programa ay nakasailalim sa Triple Win Project (TWP) ng Germany at gobyerno ng Pilipinas.

Ang Department of Migrant Workers naman ang mangunguna sa pagkuha ng rehistradong Filipino nurse na may hindi bababa sa isang taon na karanasan sa mga ospital, rehabilitation center at/o mga institusyon ng pangangalaga o pribadong duty nurse, ayon sa Germany embassy.

“Filipino nurses employed in Germany benefit from the high standards of German labor laws and ample social security system regulations, including health insurance, pension insurance scheme, and unemployment insurance,” ayon sa German Embassy sa website nito.

“In terms of remuneration, Filipino nurses will not receive a less favorable treatment than their German colleagues.”

Noong 2013 pa ikinasa ng Germany ang TWP kung saan ang mga naunang nakuhang Pinoy nurses ay promoted na sa kanilang trabaho.

Narito naman ang rekisito para sa mga interesadong aplikante:

  • may kasanayan sa wikang German ng B1 o B2 Level alinsunod sa Common European Framework of Reference for Languages ​​(dapat nasa loob ng 1 taon ang sertipiko mula sa petsa ng paglabas

  • o sumailalim sa pagsasanay sa wikang Aleman sa Pilipinas para makamit ang Level B1 (babayaran at ayusin ng Triple Win); at

  • dumalo sa klase ng wika na maaaring magsimula anumang oras mula Nobyembre 2022 hanggang Enero 2023

Ang mga aplikante naman na mayroon nang mga sertipiko ng B1 at/o B2 at nabigyan ng higit sa isang taon ay dapat kumuha ng libreng refresher course na alok ng TWP.

Kailangan ding magsumite ng mga aplikante ng:

  • cover letter at curriculum vitae

  • colored passport-size na larawan,

  • kopya ng valid passport,

  • notarized nursing diploma sa pagtanggap sa programa,

  • at board certificate at kopya ng lisensya mula sa Professional Regulation Commission (PRC).

Dahil government to government ang TWP sasagutin ng Germany ang:

  • Free German Language training (from A1-B1 level)

  • Bonus payment for passing A2 and B1 on first take (250 euro)

  • Free translation of recognition documents and certification

  • Travel expenses (visa and airfare)

  • Assistance in finding suitable accommodation once in Germany

RNT