600 senior nakinabang sa libreng anti-pneumonia shots sa Las Piñas

600 senior nakinabang sa libreng anti-pneumonia shots sa Las Piñas

October 14, 2022 @ 11:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tumanggap ng anti-pneumonia shots ang 600 senior citizens sa Las Piñas sa isinagawang medical mission kaugnay sa selebrasyon ngayong taon ng ‘Elderly Filipino Week’.

Ang aktibidad para sa selebrasyon ng Elderly Filipino Week ay pinamahalaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na nagbibigay ng temang “Older Person: Resillience in Nation Building”.

Ayon sa mother-daughter tandem na sina Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar, ang pasasagawa ng libreng anti-pneumonia vaccination ay ginanap nitong Miyerkules, Oktubre 12 sa Myrna Panlilio Covered Court sa BF Resort Village, Barangay Talon II ng nabanggit na lungsod.

Sinabi naman ni Mayor Aguilar na binabantayan ng lokal na pamahalan ang kapakanan at kalusugan ng mga senior citizens sa lungsod na bahagi ng kanyang administrasyon na “Tuloy ang Tapat at Progresibong Serbisyo”. James I. Catapusan