6,000 pulis ipapakalat sa SONA ni Pangulong Duterte

6,000 pulis ipapakalat sa SONA ni Pangulong Duterte

July 12, 2018 @ 10:54 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Aabot sa anim na libong (6,000) pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) para tiyakin ang seguridad sa paligid ng Batasan Pambansa sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 23.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Superindentent Guillermo Lorenzo Eleazar wala silang natatanggap na anumang banta sa seguridad sa SONA ng Pangulo Duterte.

Sinabi pa ni Eleazar na aabot sa 6,000 pulis ang ipapakalat sa paligid ng Batasan Pambansa para matiyak ang kaayusan at peace and order sa SONA ng Pangulong Duterte.

Sa isang interbyu kaninang umaga Hulyo 12, 2018 (Huwebes) sinabi ni Eleazar kahit wala silang natatanggap na ano mang banta para sa nalalapit na SONA ng Pangulong Duterte hindi pa rin  nagpapakangpante ang PNP at patuloy ang ginagawang pagmo-monitor para matiyak na magiging matahimik ang SONA Pangulo.

“Wala kaming natatanggap na anumang banta para sa SONA ng Pangulo” ani pa ni Elezar.

Sinabi pa ng NCRPO chief nananatiling naka-full alert status ang pambansang pulisya partikular na sa Metro Manila para matiyak ang katahimikan.

Ayon pa kay Eleazar hindi lamang tuwing may malalaking event sa bansa naghahanda ang PNP kundi laging nakahanda ang pulisya araw araw para panatilihin ang katahimikan.    (santi celario)