60,000 bag ng asukal nadiskubre sa Bulacan, iimbestigahan

60,000 bag ng asukal nadiskubre sa Bulacan, iimbestigahan

August 21, 2022 @ 11:35 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sa nagpapatuloy na kampanya ng gobyerno sa pagsawata ng sugar hoarders, nasa 60,000 bag ng hinihinalang itinagong asukal mula sa apat na bodega sa Guiguinto, Bulacan ang nabuking, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) nitong Sabado.

Sa isang pahayag, sinabi ng OPS na nag-inspeksyon ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa apat na bodega sa T12 Polo Land sa Barangay Tabang noong Sabado ng hapon at dito natagpuan ang imported na asukal mula sa Thailand sa mga inspeksyong warehouse na nasa 50 kilo bawat sako.

Sinabi ng caretaker ng warehouse na idiniliber mula sa Manila International Container Terminal (MICT) noong Biyernes ng gabi ang mga Thai sugar at ginamit umano ang alokasyon dito mula sa Sugar Order No. 3 na noong Pebrero pa inisyu ng Sugar Regulatory Board.

Sa kabila nito, beberipikahin pa rin ng BOC ang nasabing transaksyon.

“Customs officials are now conducting verification on the authenticity of the importation documents presented to them by the warehouse caretaker in Guiguinto, Bulacan,” anang  OPS.

Nauna nang pinigilan ng mga ahente ng BOC sa Subic Port ang umano’y smuggling ng 7,021 metric tons ng asukal matapos nilang malaman na “recycled” ang import permit. RNT