600kW solar project sa Tawi-Tawi, operational na sa Nobyembre- MinDA

600kW solar project sa Tawi-Tawi, operational na sa Nobyembre- MinDA

June 2, 2022 @ 8:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang mag-operate ang 600-kilowatt (kW) solar project sa Tawi-Tawi ngayong Nobyembre ng taong kasalukuyan.

Sinabi ni Mindanao Development Authority (MinDA) Chairperson Maria Belen Sunga-Acosta na ang solar power project sa munisipalidad ng Sibuto, Tawi-Tawi ay naglalayong palakasin ang economic activity lalo na sa seaweed farming communities ng nasabing lugar.

“This will help the seaweed farmers as they can now sell semi-processed seaweed products instead of raw materials which have a lower value. With the help of the facility, the farmers can produce quality products which can be exported to the European countries and our neighboring Asean (Association of Southeast Asian Nations),” ayon kay Acosta sa isang kalatas.

Umaasa naman si Acosta na nabanggit na proyekto ang magiging daan sa pagtatatag ng mas marami pang processing facilities lalo pa’t mababawasan nito ang gastos ng mga magsasaka at magiging mabuti at maayos ang kanilang kinikita.

“Hopefully by July, it can be tested as we expect it will be fully operational by November this year,” ayon kay Acosta sabay sabing ang mga proyekto ay nakapag-secure na ng pondo mula sa European Union Access to Sustainable Energy.

Sa pakikipagtulungan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at partner agencies, makikita ang malaking pagbabago sa electric supply sa island province dahil sa naturang proyekto.

“Once completed, the project can generate 600kW of renewable energy,” ayon sa MinDa.

Ang pagtatatag ng hybrid solar at diesel technology ng MinDA, na may kolaborasyon kasama ang United Nations Industrial Development Authority, ay naglalayon din na itaas ang bilang ng oras ng available power ng pasilidad. Kris Jose