603 pang bagong kaso ng COVID naitala; 156 patay, 1,047 nakarekober

603 pang bagong kaso ng COVID naitala; 156 patay, 1,047 nakarekober

December 5, 2021 @ 4:05 PM 10 months ago


Nasa 603 pa na bagong kaso at 1,047 na gumaling at 156 na pumanaw ang naitala ng Department of Health ngayong Linggo.

Gayunman sa nasabing bilang ng pumanaw, 12 lamang ang nangyari ngayong Disyembre.

Ang 36 porsyento sa naitalang pumanaw ngayong araw ay nangyari noong Nobyembre 2021 dahil sa late encoding ng death information sa COVID Kaya.

Sa ngayon ang kabuuang namamatay sa COVID-19 ay umabot na sa 49,386.

Sa kabila nito nasa 2,771,536 na ang gumaling sa bansa ngunit 2,834,775 naman ang kabuuang mga kaso.

Ang aktibong kaso naman ay may bilang na 13,853.

Ayon sa pinakahuling ulat, dalawang mga laboratoryo ang hindi operational noong Dsiyembre 3, 2021 habang mayroong apat na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng anim na labs na ito ay humigit kumulang 0.9 porsyento sa lahat ng samples na nai-test at 1.3 porsyento sa lahat ng positibong mga indibidwal. Jocelyn Tabangcura-Domenden