603 quake victims sa Turkey natulungan ng PH medical team

603 quake victims sa Turkey natulungan ng PH medical team

February 20, 2023 @ 6:51 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 603 Turkish patients ang naserbisyuhan ng Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) sa Turkey.

“The PEMAT catered ambulatory cases and referral of cases requiring hospitalization. A total of 603 patients were catered by the PEMAT,” ayon sa pahayag ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Lunes, Pebrero 20.

Ayon pa sa ulat, kasalukuyang naka-standby ang urban search and rescue (USAR) team, at naghihintay ng request for assistance sa retrieval operations, mula sa Turkish local government unit.

“USAR team is currently placed on standby awaiting requests for assistance on retrieval operations. Last number of buildings assessed: 38, cadavers retrieved: 4,” ayon pa sa OCD.

Bago nito, sinabi ni OCD spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV na hindi na tatanggap ng ikalawang contigent mula sa Manila ang Ankara.

Sa kabila nito, sinabi ng pamahalaan ng Turkey na maaari pa ring magpadala ang Pilipinas ng non-food items. RNT/JGC