60MT isda iaangkat ng DA sa shortage bunsod ng epekto ni Odete

60MT isda iaangkat ng DA sa shortage bunsod ng epekto ni Odete

January 19, 2022 @ 9:41 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na may pangangailangan para mag-angkat ng 60,000 metric tons (MT) ng maliit na pelagic fish upang ma- meet ang demand para sa first quarter ng 2022 dahil sa pinsala na natamo ng fishery sector mula sa bagyong Odette noong Disyembre ng nakaraang taon.

Inanunsyo rin ni Dar, ang paglagda sa Certificate of Necessity to Import matapos makita sa isinagawang assessment ang malaking pinsala at nabawasang fish production, lalo na ang galunggong (round scad), sardines, at mackerel.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dar na ginagawa na nila ang lahat ng pamamaaraan para remedyuhan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources’ projection na 119,000 MT fish supply deficiency sa unang tatlong buwan.

“We are bolstering the aquaculture sector to close gaps in fish production and sustainably improve our catch,” dagdag na pahayag nito.

Sinasabing P4 bilyong piso ang total value loss at damage na natamo ng fishery sector matapos manalasa ang bagyong “Odette” sa bansa noong Disyembre 16 at 17, 2021.

Nakini-kinita rin ng DA ang isang pulgadang pagtaas sa fisheries at aquaculture input costs kasabay ng global prices ng petroleum at pagkain ng isda.

“We are, as always, striking the crucial balance to ensure fish security among consumers while coming to the aid of our fish producers,” ayon kay Dar.

Dahil dito, naglaan ang DA ng P50 milyong piso mula s a P1 billion Quick Response Fund post- “Odette” para sa pamamahagi ng marine diesel/gasoline engines, fiberglass fishing boats, at distribution ng relief goods gaya ng canned tuna, sardines, at frozen fish.

Isa pang P35 milyong halaga ng interventions ang naipamahagi sa mga apektadong rehiyon. Kris Jose