61.06M rehistrado na sa 2022 polls – Comelec

61.06M rehistrado na sa 2022 polls – Comelec

August 27, 2021 @ 2:50 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na lumagpas na sa 60 milyon ang rehistradong botante para sa darating na eleksyon sa Mayo 2022.

 “Registered voters for May 2022 elections hit 61.06 million,” lahad ni Comelec spokesman James Jimenez.

Ang naturang datos aniya ay mula pa noong Hulyo at inaasahan na tataas pa.

Tatagal naman ang voter registration hanggang Setyembre 30, 2021 habang suspendido ang ilang aktibidad sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ. RNT/FGDC