61 bahay, paaralan, mga gusali, nasira ng M-6.0 quake sa Masbate

61 bahay, paaralan, mga gusali, nasira ng M-6.0 quake sa Masbate

February 17, 2023 @ 11:12 AM 1 month ago


MASBATE- Umabot sa 60 kabahayan, mga paaralan at gusali ang nasira sa naganap na magnitude 6.0 na lindol sa probinsyang ito.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Bicol Gremil Naz, sa pinakahuling datos nakapagtala sila ng 61 ang nasira at karamihan sa mga ito ay mula sa mga bayan ng Batuan, San Fernando at Palanas.

Nakapagtala rin ng 15 paaralan ang nasira kabilang ang 7 mula sa bayan ng Uson at 8 naman sa Batuan.

Nasira rin ang 16 na school non-infrastructure, 16 na computer sets, 10 furnitures at 130 mga educational materials.

Habang nasa 6 naman na imprastraktura ang nasira 5 rito ay mula sa Masbate kabilang ang Magallanes Coliseum at isa sa Sorsogon na kinabibilangan ng mga pribadong establisimyento.

Maging ang Canares Health Center sa bayan ng Batuan ay nasira rin at nagkaroon din ng mga sira ang kalsada sa Canvanes road.

Samantala, namahagi na rin ang Department of Health (DOH) Bicol ng P100,000.00 halaga ng sari-saring gamot, 300 jerry cans, 50 hygiene kits at 50 cot bed sa mga apektadong pamilya. Mary Anne Sapico