612 dagdag-kaso; COVID active cases nasa 4,529 na

612 dagdag-kaso; COVID active cases nasa 4,529 na

June 20, 2022 @ 7:41 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas ng 612 bagong kaso ng COVID-19 noong Linggo, ayon sa datos ng Department of Health (DOH).

Ito ang pinakamataas mula noong Abril 3, base sa datos.

Sa bagong bilang na kaso, 293 ang naitala sa National Capital Region.

Bunsod nito, sumirit na sa 4,529 ang akitbong kaso ng COVID. Umakyat sa 3,696,264 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng bansa.

Nananatili naman sa 60,467 ang kabuuang bilang ng mga namatay na may kaugnayan sa COVID sa bansa.

Ang kabuuang recoveries naman ay umabot sa 3,631,268. RNT