613 bagong kaso ng Omicron subvariants, naitala

613 bagong kaso ng Omicron subvariants, naitala

February 1, 2023 @ 5:37 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – May 613 pang bagong Omicron COVID-19 subvariants ang nadagdag sa talaan ng Department of Health (DOH) mula sa resulta ng pinakahuling genome sequencing.

Sa huling biosurveillance report, 252 sa mga bagong tuklas na subvariants ay klinasipikado na BA.2.3.20, nasa 201 ang XBB, 25 ang BA.5, 15 ang XBC, dalawa ang BA.2.75, at 118 ang iba pang sublineages.

Ayon sa DOH, ang resulta ay inilabas ng University of the Philippines-Philippine Genome Center nitong Enero 28.

Sa kasalukuyan, nananatili ang BA.5 na dominanteng strain sa Pilipinas.
May kabuuan na itong 12,687 kaso.

“Right now what we are trying to be cautious about would be the XBB1.5, which is circulating in the US… and other countries,” pahayag ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na hindi na opsyon ngayon ang pagsasara ng mga borders ng bansa dahil sa layunin ng pamahalaan na mapalakas muli ang ekonomiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden