615 karagdagang bus units ipakakalat para sa Undas – LTFRB

615 karagdagang bus units ipakakalat para sa Undas – LTFRB

October 25, 2022 @ 5:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Magtatalaga ng karagdagang 615 bus units para sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga commuter sa long Undas holiday weekend, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Martes.

Sa isang public briefing, sinabi ni LTFRB Technical Division chief Joel Bolano sna binuksan ng ahensya ang application period para sa special permits para sa out-of-line operations noong Oktubre 3.

“Nagkaroon ho tayo ng karagdagan na units. Ito po ay ilalabas daw ng board. May 256 application tayo nag-complement po sa 615 units additional doon po sa mga regular bus routes natin,” sabi niya.

Itatalaga ang karagdagang bus sa mga lugar na inaasahang may maraming bilang ng mga biyahero sa All Saints’ Day o Undas holiday.

Base kay Bolano, ipalalabas ang special permits para sa out-of-line operations sa Biyernes.

Inihayag pa niya na magsasagawa ang LTFRB ng inspeksyon sa integrated terminal exchanges at maglalagay ng one-stop-shop help desk sa major terminals.

Makikipag-ugnayan din ang LTFRB sa iba pang ahensya ng pamahalaan, local governments, Philippine National Police, Metropolitan Manila Development Authority, at sa Land Transportation Office. RNT/SA