62 sa 101 scheduled licensure exam naisagawa noong 2021 — PRC

62 sa 101 scheduled licensure exam naisagawa noong 2021 — PRC

February 5, 2022 @ 3:20 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Tagumpay na naisagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) ang 62 sa 101 licensure examination na nakatakda sana  noong 2021.

Sa Laging Handa briefing, iginiit ni PRC chairperson Teofilo Pilando Jr. na mas malaki ito kumpara sa 11 lamang mula sa 85 examination na naisagawa noong 2020.

“Of course, hindi naging madali ang pagsasagawa ng examinations last year dahil ongoing pa rin ang pandemya, at saka pabago-bago pa rin ang community quarantine classifications, travel restrictions, at safety protocols. But we were able to conduct these examinations.”

Tinataya namang 1,500 examinee ang apektado ng kanselasyon.

Ikinokonsidera naman na ng PRC na gawing requirement ang COVID-19 vaccination sa pagkuha ng licensure exams.  RNT/FGDC