6,215 patay sa drug war; 315K suspek arestado – PDEA

6,215 patay sa drug war; 315K suspek arestado – PDEA

December 10, 2021 @ 6:36 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Umakyat sa 6,215 ang naitalang napatay sa inilunsad na war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Ang pinakabagong bilang ay nadagdagan ng 14 mula nang mailabas ang datos noong Setyembre kung saan nasa 6,201 lang ito.

Sa kabilang banda, nasa 315,635 drug suspect ang naaresto sa 218,665 drug war operations mula Hulyo 1,2016 hanggang Oktubre 31, 2021, dagdag pa ng PDEA.

Sa bilang ng nga naaresto nasa 13,821 ang high value targets.

Sa nasabing bilang, 349 ang foreign nationals, 393 ang elected officials, 124 ang  uniformed personnel, 509 ang government employees, 3,785 ang target listed suspects, 795 ang drug group leaders at miyembro, 75 armed group members, 1,422 drug den maintainers, 284 wanted listed, 24 celebrity at license holders, at 6,061 iba pa na naaresto sa high-impact operations.

Iniulat din ng PDEA na nasa 23,270 na mula sa 42,045 barangay ang malaya na sa iligal na droga.

Umabot din sa 994 drug dens at mga laboratpryo ang winasak ng awtoridad, dagdag pa ng PDEA.

Base rin sa datos ng gobyerno na nasa P73.83 bilyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng gobyerno. RNT