P13.6M shabu nasabat sa Cebu

January 27, 2023 @11:46 AM
Views: 5
MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang aabot sa P13.6 milyon halaga ng shabu mula sa isang residente ng Cebu City sa ikinasang buy bust operation nitong Huwebes ng gabi, Enero 26.
Ayon kay Police Colonel Rommel Ochave, Cebu Police Provincial Office (CPPO) director, kinilala ang suspek na si Lunicito “Looney” Labitad, 38-anyos at residente ng Barangay Quiot Pardo ng nabanggit na lungsod.
Si Labitad ay kabilang sa listahan ng Unified PNP-PDEA Top 10 Regional Priority Target pagdating sa illegal na droga.
Nakuha mula sa kanya ang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na mayroong estimated value na P13.6 milyon.
Sa kasalukuyan ay hawak na ng pulisya ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC
Misis sinuwag ng SUV, dedbol!

January 27, 2023 @11:35 AM
Views: 6
ILOCOS SUR – Tigok ang isang 53-anyos na misis matapos mabangga ng isang kotse sa Brgy. Quinsoriano ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Enero 26.
Kinilala ng Sta. Cruz Municipal Police Station ang biktima na si Gemma Calanno y Jacobe, residente ng naturang lugar.
Nakilala naman ang driver ng Honda CRV Sports Utility Vehicle na si Norman Zapata y Galvez, 53, may asawa, residente ng Brgy. Sta. Lucia, Narvacan, Ilocos Sur.
Bumibiyahe ang SUV patungong timog na direksyon sa national highway ng nabanggit na lugar nang biglang tumawid ang biktima galing ng silangan patungong kanluran.
Dahil dito, aksidenteng nabangga ng kotse ang biktima.
Ang biktima na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ay agad na isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa Sta. Lucia, Ilocos Sur ng mga rumespondeng miyembro ng MDRRC ng Sta. Cruz, Ilocos Sur.
Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.
Hindi naman nasaktan o nasugatan sa naturang aksidente ang driver ng SUV. Rolando S. Gamoso
8 patay sa lumubog na barko sa Japan

January 27, 2023 @11:33 AM
Views: 13
JAPAN – Patay ang walo katao kabilang ang anim na Chinese national sa lumubog na barko sa dagat na sakop ng Japan.
Ito ang ibinahagi ng isang Chinese diplomat at Japanese coast guard nitong Huwebes, Enero 26.
Sa impormasyon, nagpadala ng distress signal ang Jin Tian sakay ang mga crew mula China at Myanmar nitong Martes ng gabi sa lokasyon nito na 110 kilometro kanluran ng Danjo Island, southwestern Japan.
Gumamit naman ng satellite phone ang kapitan ng barko upang sabihin sa South Korean coast guard na aalis na ito at ang kanyang mga crew dahil lumulubog na ang sinasakyan ng mga ito.
Nakibahagi naman ang iba’t ibang barko at eroplano ng Japan coast guard para sa paghahanap sa mga ito, na kalaunan ay nakita ang 13 crew members.
Tumulong din ang tatlong pribadong barko sa lugar para sagipin ang lima pang stranded crew members.
Sinabi naman ng China consul general sa Fukuoka na si Lu Guijun, na sa 13 crew members na natagpuan, walo sa mga ito ang kumpirmadong nasawi.
“Five of them — including four Chinese crew members — are not in life-threatening conditions,” dagdag ni Guijun.
“We express our deepest condolences to the unfortunate victims.”
Kinumpirma rin ng Japanese coast guard na kasama ng 6 na Chinese crew member na nasawi, dalawa naman ang mula sa Myanmar.
Mayroon pang 9 katao ang patuloy na pinaghahanap, apat mula sa China at lima mula sa Myanmar.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga opisyal mula sa local Chinese mission sa pamamagitan ng pagdadala ng bulaklak.
Binisita rin ng mga ito ang mga survivors na sinabing tutulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasuotan, pagkain at inumin.
Ang 6,651-ton Jin Tian ay nakarehistro sa Hong Kong.
Matatandaan na noong 2020, isang cargo ship din na may sakay na 43 crew at 6,000 baka ang lumubog sa dagat na sakop ng southwestern Japan dahil naman sa bagyo. RNT/JGC
Wala nang inaasahang bagyo ngayong Enero – PAGASA

January 27, 2023 @11:20 AM
Views: 18
MANILA, Philippines – Wala nang inaasahang bagyo ang papasok sa bansa hanggang sa pagtatapos ng Enero.
Ito ang ibinahagi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Biyernes, Enero 27.
Sa kabila nito, mayroon pa ring posibilidad na may mabuong low pressure area sa Mindanao.
“Wala tayong inaasahang bagyo hanggang weekend and even until the end of January,” sinabi ni Benison Estareja, weather specialist ng Pagasa.
“Aasahan pa din natin ang mga cloud clusters dito po sa silangan ng Mindanao na posible naman maging low pressure area in the coming days,” dagdag niya.
Bagama’t walang pumasok na bagyo ngayong buwan, naranasan naman ng malaking bahagi ng bansa ang malakas na ulan na nagdulot ng mga malawakang pagbaha at landslide.
Sa katunayan, sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ay umabot na sa 39 ang bilang ng mga nasawi dahil sa malalakas na pag-ulan at baha dulot ng low pressure area, shear line at northeast monsoon o amihan. RNT/JGC
DA dapat makipagtulungan sa stakeholders – SINAG

January 27, 2023 @11:07 AM
Views: 21