627 pasahero, 331 sasakyan papuntang Visayas, Masbate stranded sa Sorsogon

627 pasahero, 331 sasakyan papuntang Visayas, Masbate stranded sa Sorsogon

December 15, 2021 @ 1:45 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Stranded ang 627 pasahero at 331 sasakyang patungo sa Visayas at Masbate sa pantalan ng Matnog at Pilar sa Sorsogon.

Ito ay makaraang itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal 1 sa Samar at Cebu, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) sa Bicol.

Ayon kay Gremil Alexis Naz, OCD Bicol spokesperson, hindi pinayagan ng Philippine Coast Guard ang mga pasahero dahil sa umiiral na “no-sail policy” dulot ng bagyo.

Maaalalang noong Lunes, Disyembre 13, sinuspende ng Land Transportation Office (LTO) ang mga biyahe patungong Visayas at Mindanao dahil sa banta ng Severe Tropical Storm “Odette”. RNT/FGDC