63 pang pulis sapul ng COVID

63 pang pulis sapul ng COVID

October 15, 2021 @ 7:35 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Naitala ng Philippine National Police (PNP) ang karagdagang 63 kaso ng COVID sa kanilang hanay.

Pumalo naman ang kabuuang bilang sa 41,149.

Samantala, nakarekober na ang nasa 40,004 sa sakit habang binabantayan pa rin ang 1,023 aktibong kaso.

Nananatili naman ang bilang ng nasawi sa 122. RNT/FGDC