630 solo parents tumanggap ng ayuda sa Pasay

630 solo parents tumanggap ng ayuda sa Pasay

January 17, 2023 @ 10:46 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Namahagi si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ng financial assistance sa kabuuang 630 solo parents sa lungsod.

Bukod pa sa ipinagkaloob na ayuda ay namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng grocery bags sa mga solo parents.

Sinabi ni Calixto-Rubiano na ang distribusyon ng ayuda at ng grocery bags sa mga solo parents ay pinangunahan ito ni City Social Welfare and Department Office (CSWDO) head Angie Roa-Yu na ginanap sa Cuneta Astrodome.

Ayon pa kay Calixto-Rubiano ang financial assistance at grocery bags ay naipagkaloob lamang sa mga nag-apply bilang isang solo parent sa pamamagitan din ng inisyatibo ng kanyang administrasyon.

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na bilang isa ring ina ay ramdam din niya ang bigat ng responsibilidad ng nag-iisang magulang lalo pa pagdating sa pagpapalaki ng mga anak. James I. Catapusan