639 special permits para sa karagdagang provincial buses ipinalabas ng LTFRB

639 special permits para sa karagdagang provincial buses ipinalabas ng LTFRB

December 22, 2022 @ 6:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ibinigay sa 639 karagdagang provincial buses ang special permits para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Kapaskuhan, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Huwebes.

“As of yesterday, may na-issue na tayo na 639 units na special permits para po doon sa papuntang probinsya, both north and south po ito,“ ani LTFRB  technical division chief Joel Bolano sa televised public briefing.

Sarado na aplikasyon para sa special permit, subalit sinabi ni Bolano na magpapalabas sila ng mas maraming special permits saksaling kailanganin ito para sa karagdagang units sa bus operations.

Samantala, sinabi ni Bolano na manageable pa ang sitwasyon sa bus terminals sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero bago mag-Pasko.

Inihayag pa ni Bolano na nagtalaga na ng mga tauhan upang bantayan ang sitwasyon sa ilang terminal.

“As of last night, based doon sa mga tao natin na naka-deploy sa mga specific terminals like for example yung [Integrated Terminal Exchange] natin, so far manageable pa sang ayon yung ating mga buses at mga pasahero,” aniya.

Naghahanda na ang LTFRB para sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season  sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP), Inter-Agency Council for Traffic, at local governments.

Nitong Nobyembre, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magdudulot ang Christmas rush ng 10%-20% sa traffic volume.

Sinabi pa ng PNP na halos 190,000 ng mga tauhan nito ang ipakakalat upang tiyakin ang  seguridad ng publiko ngayong Christmas season.

Ipatutupad nito ang Oplan Ligtas Pasko, na magdaragdag sa police visibility at magpapatrulya sa mga lugar kung saan inaasahang magpupuntahan ang mga tao maging sa mga terminal. RNT/SA