64 barangay sa Pasay, 17 araw mawawalan ng tubig

64 barangay sa Pasay, 17 araw mawawalan ng tubig

May 15, 2022 @ 9:30 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Inianunsyo ng Maynilad Water Services na 64 na barangay sa Pasay ang maaapektuhan ng mahinang suplay hanggang sa pagkawala ng tulo ng tubig sa gripo sa loob ng 17 araw mula Mayo 16 hanggang Hunyo 1.

Ang 64 barangay na apektado ng pagkawala ng suplay ng tubig ay ang mga barangay 122, 123, 125, 126, 128, 130, 131, 133, 135 hanggang 138, 140, 142, Bangkal sa Heneral Mascardo (Arnaiz Avenue), Barangay 41 hanggang 49, Barangay 51 hanggang 53, at Barangay 56 hanggang 59.

Kasama rin sa mga barangay na mawawalan ng suplay ng tubig ang Barangay 63 hanggang 68, Barangay 71 hanggang 75, 80, 81, Barangay 84 hanggang 86, 89, 91, Barangay 90 hanggang 101, 104, Barangay 106 hanggang 110, Barangay 112 hanggang 115, at Barangay 118 hanggang 120.

Ayon sa Maynilad, ang mga nabanggit na apektadong barangay ay makararanas ng mahinang suplay hanggang sa walang tulo ng tubig sa kani-kanilang mga gripo simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw sa mga nabanggit na petsa.

Pinayuhan din ng Maynilad ang mga residente sa maaapektuhang barangay na mag-ipon ng tubig bago pa man ang iskedyul ng pansamantalang pagputol ng suplay ng tubig. James I. Catapusan