64 madre, 50 pa sapul ng COVID sa kumbento sa QC

64 madre, 50 pa sapul ng COVID sa kumbento sa QC

September 15, 2021 @ 5:39 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nasa 114 na katao na kinabibilangan ng 64 na madre ang nagpositbo sa COVID-19 sa isang kumbento sa Quezon City.

Iniulat ni Dr. Rolly Cruz, head ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), na 114 indibiwal ang nagkahawaan sa COVID-19 sa Religious of the Virgin Mary na matatagpuan sa 214 N Domingo St., Barangay Kaunlaran sa nasabing lungsod.

Kabilang sa nagpositibo bukod sa mga madra ay apat na drayber, 18 na layman partners, 14 health aide, 13 caregivers, at isang nursing student.

Sinabi ni Cruz, 22 sa mga nagpositibo ang asymptomatic, 86 ang mild, apat ang moderate at dalawa ang severe na ngayon ay ginagamot na sa Intensive Care Unit ng Infirmary.

Wala pang ibinigay na detalye kung saan nagmula ang virus sa nasabing kumbento habang patuloy naman ang pagsasagawa ng contact tracing kung sino amg mga nakasalumuha at bumisita sa nakalipas na mga araw. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •