640 pang Delta variant cases naitala, 2,708 na kabuuan

640 pang Delta variant cases naitala, 2,708 na kabuuan

September 13, 2021 @ 9:23 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH), Lunes, na dagdag na 640 ng Delta coronavirus variant ang kanilang na-detect dahilan para umabot na sa 2,708 ang kabuuan nito.

Sa nasabing bilang, nasa 584 ang local cases, 52 mula sa Returning Overseas Filipinos (ROF), dagdag pa ng DOH.

“Four cases are currently being verified if these are local or ROF cases,” ayon pa sa kagawaran,

Sa 584 naitalang local cases, 112 ang na-detect sa National Capital Region, 52 sa Cagayan Valley, at 49 sa Calabarzon.

“Based on the case line list, three cases are still active, 13 cases have died, while 624 cases have been tagged as recovered,” base pa sa ulat ng DOH.

“Case details are being validated by the regional and local health offices.”

Bukod sa Delta variant, naitala rin ang dagdag na 28 Beta variant cases, 24 Alpha variant cases, at limang P.3 variant cases sa bansa.

Sa nasabing dagdag na 24 Alpha variant cases, 23 ang local cases at isa ang ROF.

Nasa 2,448 na ang naitatalang Alpha variant cases sa bansa.

Doon naman sa dagdag na 28 Beta variant cases ang lahat nang ito ay local cases.

Sa kabuuan ay mayroon nang 2,725 Beta variant case sa bansa. RNT


  •  
  •  
  •