NASA 643 indibidwal ang kukuha ng Career Service Examination para sa Foreign Service Officer (CSE-FSO) sa 5 Pebrero 2023.
Nabatid na karamihan sa mga kukuha ng eligibility test ay magmumula sa National Capital Region na may bilang na 406, habang ang iba ay mula sa Region 1 hanggang 11 at sa Cordillera Administrative Region.
Ayon sa Civil Service Commission (CSC), ang mga lugar ng pagsusulit ay nakalista sa Examination Advisory No. 1, s. 2023, habang ang mga indibidwal na room assignments ay maaaring makita gamit ang Online Notice of School Assignment o ONSA na parehong makukuha mula sa website ng CSC sa www.csc.gov.ph.
Nagpaalala naman ang CSC na ang pagsusuot ng face mask ay mandatory kapag papasok at habang nasa loob ng testing venue.
Ang paparating na pagsusulit ay mahigpit na ipatutupad ang “No ID, No Exam”. Dapat aniyang makapagpakita ang mga examinees ng valid (not expired) ID card sa araw ng eksaminasyon, mas mabuting ipakita ang ID na iprinisinta noong mag-aplay ito ng kanyang aplikasyon.
Ayon pa sa CSC, kinakailangang ipakita ng mga “fully vaccinated” na examinees ang kanilang original o digital copy ng kanilang vaccination card o katunayang may kumpleto na itong bakuna.
Ang mga kukuha ng nasabing pagsusulit ay dapat magsumite ng isang Health Declaration Form na nakumpleto nang hindi mas maaga kaysa sa isang araw o sa loob ng 24 na oras bago ang araw ng pagsusuri.
Ang mga examinees na hindi nakapagsumite ng nilagdaang Certificate of Consent sa panahon ng itinakdang panahon ay dapat ding magdala nito sa mismong araw ng pagsusuri. Tanging ang mga itim na ball pen lamang ang gagamitin sa pagsagot sa pagsusulit, at maaari din silang magdala ng alcohol o hand sanitizer na hindi hihigit sa 100 mL ang laki, pati na rin ang mga meryenda at tubig.
Ang kumpletong teksto ng Examination Advisory No. 1, s. 2023 (School Assignment and Important Reminders for CSE-FSO Examinees) ay maaaring ma-access mula sa CSC website.
Samantala, parehong nagsisilbi ang CSE-FSO bilang qualifying test at eligibility examination.
“As a qualifying test, it forms the first of the five-part Foreign Service Officer Examination (FSOE). Thus, passing the CSE-FSO is a requisite to be able to proceed to the succeeding parts of the FSOE—Preliminary Interview, Written Test, Psychological Test, and Oral Test—all administered by the DFA. The FSOE is being done to recruit candidates for the Foreign Service Officer, Class IV position,” saad ng CSC.
“As an eligibility examination, passers of the CSE-FSO shall be conferred the Career FSO Eligibility. This eligibility is appropriate for first level (clerical) and second level (technical) positions in the government which do not involve practice of profession and are not covered by bar, board, and other laws,” dagdag pa ng CSC. RNT