6,436 bagong kaso ng COVID naitala mula Okt. 31 hanggang Nob. 6

6,436 bagong kaso ng COVID naitala mula Okt. 31 hanggang Nob. 6

November 7, 2022 @ 5:46 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sa pinakahuling datos ng Department of Health sa COVID-19 cases sa bansa, mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 6 ay nakapagtala ng 6,346 na bagong kaso.

Ayon sa DOH, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 907 na mas mababa ng 30 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Oktubre 24 hanggang 30.

Sa mga bagong kaso, dalawa sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 243 na pumanaw kung saan 28 ay naganap noong Oktubre 24 hanggang Nobyembre 6.

Dagdag pa, mayroong 640 na malubha at kritikal na pasyente noong ika-6 ng Nobyembre 2022, na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19.

Sa 2,437 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 503(20.6%) ang okupado.

Samantala, 5,145(24.3%) ng 21,181 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 73 milyong indibidwal o 94.21% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 20 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Sa kabilang banda, 6.9 milyong senior citizens o 79.35% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Paalala pa rin ng DOH sa publiko na palagian pa ring magsuot ng proteksyon tulad ng face mask laban sa COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden