65.6% ng edad 12-17 fully vaxxed na vs COVID – NVOC

65.6% ng edad 12-17 fully vaxxed na vs COVID – NVOC

February 6, 2022 @ 12:53 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Mahigit 60% ng mga batang Pilipino na may edad 12 hanggang 17 ang ganap na fully vaccinated na laban sa COVID-19 mula nang ilunsad ang pagbabakuna sa nasabing age group noong Nobyembre 2021, ayon kayHealth Undersecretary at National Vaccines Operation Center (NVOC) head Myrna Cabotaje nitong Linggo.

“We are happy to report na maganda naman ang coverage natin sa ating rest of pediatric population” (Our coverage for the rest of pediatric population is doing well),” ani Cabotaje sa interbyu sa dzBB.

“Naka-77 percent na tayo ng first dose so 8.8 million out of 11.4 million, tapos mga 65.6 percent na rin ang ating second doses,” dagdag pa niya.

Ngunit para sa mga batang may comorbidity, sinabi ni Cabotaje, 23% o 299,000 lamang sa 1.2 milyong mga bata ang ganap na nabakunahan laban sa coronavirus.

“Siyempre medyo nag-aatubili pa ‘yung mga may anak na may karamdaman,” pagbibigay rason ng doktor.

Nang tanungin tungkol sa pagbibigay ng mga booster para sa pangkat ng edad, sinabi ni Cabotaje na “ito ay nasa abot-tanaw” ngunit wala pang mga pag-aaral na nagrerekomenda ng karagdagang dosis para sa mga batang may edad na 12 hanggang 17.

Samantala, sa mga order ng bakuna para sa mga bata na may edad 5 hanggang 11, sinabi ni Cabotaje na inaasahan nilang 780,000 pang dose ang darating sa Pebrero 10, at isa pang 780,000 na dosis sa Pebrero 16.

Humigit-kumulang 780,000 doses ng mga bakuna sa COVID-19 para sa mga mas batang bata ang dumating na. RNT