65-anyos na babae, inararo ang 8 sasakyan

65-anyos na babae, inararo ang 8 sasakyan

July 31, 2018 @ 2:11 PM 4 years ago


 

Makati, Philippines – Nawalan ng kontrol sa minamanehong sasakyan ang 65-anyos na babae na umararo sa walo pang sasakyan sa Makati City ngayong Martes (July 31).

Kinilala ang suspek na si Angelita Tuvera, nagmamaneho ng gray Mitsubishi Montero nang araruhin nito ang walo pang sasakyan na kinabibilangan ng apat na tricycle, tatlong motorcycle at isang Toyota Vios.

Sugatan ang mahigit kumulang sa walong indibidwal dahil sa naturang insidente.

Ayon kay PO1 Leo Calderon ng Vehicular Traffic Investigation Unit (VTIU), agad na magsasagawa ng imbestigasyon sa naturag kaso. Remate News Team